Thursday, November 1, 2007

November Na!!!!

eh ano naman ngayon????

wala lang... tas december na ulit!

ibig sabihin... malapit na naman ang pasko!

magsi-senti na naman ba ako?

hmmm... di na siguro. not this year. para maiba naman...

lagi na lang akong senti pag pasko. last year, "gusto ko nang umuwiiiii!!!!" ang drama ko. anu naman kaya ngayong taong ito?

sabagay... may magagawa ba ko kung gusto ko umuwi tuwing pasko? may magagawa ba ko kung nakaka-miss ang pinas pag pasko?

wala!

syempre nakaka-miss din ang pinas sa ibang panahon o okasyon. actually, nakaka-miss ang pinas palagi. pero mas kapag pasko. bakit kanyo? eh kasi, ibang iba ang pasko nating mga pilipino.

dito sa paris pinipilit ng mga pinoy na mag-mukhang pang-pinas pa rin ang pasko. meron din ditong tinatawag na simbang gabi. yun nga lang, tuwing gabi at hindi tuwing madaling araw ang misa. sa philippine store, nagtitinda na rin sila ng bibingka at puto bumbong. pero di pa rin kasing sarap ng bibingka't puto bumbong sa atin. nagtitinda rin sila ng mga parol. pero ang parol dito, sa loob ng bahay sinasabit at hindi sa labas. ang spirit of christmas, karaniwang sa mga shopping malls mo lang talagang ma-appreciate at hindi lagi sa mga bahay-bahay. wala ring mga batang nanga-ngaroling dito. or kahit nga matanda wala. ngayon ko napagtanto... kahit pala nakakabuwisit yung mga batang pabalik-balik sa tapat ng bahay mo gabi-gabi para mangaroling, nakaka-miss din pala yun. yung mga dating pinagpapatayan namin ng ilaw (para kunyari walang tao sa bahay, o kaya tulog na)... ngayon hinahanap-hanap ko na.

anu kaya? may christmas family reunion ulit kaya this year sa tayuman? malamang. kahit taun-taon nila sinasabi na "walang reunion ngayon, taghirap ang mga tao". pero magugulat na lang ako, pag tawag ko sa kanila, ang ingay ingay at ang saya-saya nilang sama-sama. tayuman pa. pwede bang walang kita-kita? hindi di ba?

at saka... ay naku! ayoko na! tama na munang pag-iisip ng pasko. tagal pa yan. di muna ko magpapaka-senti. sasakit lang ulo ko.

No comments:

Post a Comment